Holdaper nabaril ng kabaro, utas

Manila, Philippines - Napatay ang isa sa limang notoryus na holdaper na sinasabing nangholdap sa isang tinedyer matapos na mabaril ng kanyang pinsan habang tumatakas laban sa tumutugis sa pulisya sa Barangay Cabug, Bacolod City kamakalawa ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Co­razon Montelibano si Johnny Rebamonte, 19, ng Purok Saturno, Brgy. Handumanan.

Arestado naman ang kasamahang holdaper na nakabaril kay Rebamonte na si Michael La Chica, 21.

Umamin naman si La Chica na nagre-reload siya ng bala sa shotgun habang tumatakbo silang magpinsan nang pumutok ang shotgun at tumama sa ulo ng biktima.

Limilitaw na hinarang at hinoldap ng mga suspek ang isang 16-anyos na tinedyer na pauwi at tangayin ang malaking halaga mula sa kinita sa tindahan.

Hinabol naman ng pu­lisya ang mga holdaper ma­tapos na mag-report ang ina ng hinoldap na tinedyer.

Tugis naman ng pu­lisya ang tatlong kasamahan ng magpinsang holdaper.

Show comments