Area manager lasog sa granada

GAPAN CITY, Nueva Ecija ,Philippines  – Nasawi ang isang area manager ng isang lending company makaraang sumabog ang isang granada sa loob ng minamaneho nitong multicab sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Sto. Cristo Sur ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on- arrival sa Good Samaritan Hospital ang biktima na kini­lala ng pulisya na si Roland Batalla 33, may-asawa, area manager ng Acer Lending Investor, at residente ng Barangay San Roque, Gapan City.

Nagtamo ng matitinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima mula sa  sumabog na granada sa loob mismo ng kanyang minamanehong Suzuki Carry multicab (UGU-486).

Ang biktima ay pauwi na nang mangyari ang pagsa­bog bandang alas-6:40 ng gabi. Iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen.  

Show comments