P1.3 M reward vs killer ni mayor

MANILA, Philippines - Tumaas na sa kabuuang P1.3 M ang reward para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin ni Calbayog City Mayor Reynaldo Uy na pinagbabaril habang nagtatalumpati sa piyesta ng Hinabangan, Samar noong Abril 30. Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dahilan sa pagtaas ng reward kay Uy ay nadagdagan pa ang bilang ng mga testigo na lumalantad at nagbibigay ng impormasyon para sa ikalulutas ng pamamaslang. Nabatid na ang P1 M ay handang ibigay ng pamilya ni Uy sa oras na masakote na ang mga salarin. Samantalang P200,000 ay ipagkakaloob naman ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at P100,000 naman ang magmumula kay  Hinabangan Mayor Alejandro Abarratigue.

Show comments