3 tulak-droga arestado

JAEN, Nueva Ecija, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing notoryus na drug pusher ang nadakma ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga. Sa report ng pulisya, nakilala ang mga suspek na sina Darius “Dayo” Agapito, Gaudencio Agapito, kapwa nakatira sa Jaen-Zaragoza Road, Barangay Lambakin; at si Raymund “Emon” Esquivel ng Barangay Sapang. Nabatid na sinalakay ng anti-illegal drugs team sa pangunguna ni P/Supt Ricardo Villanueva, ang kuta ng tatlo kung saan nakatakas si Esquivel habang sina Darius at Gaudencio ay nadakma. Nasamsam sa mga suspek ang dalawang baril, mga bala, 7-gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments