Bangka lumubog; maglola nalunod

CAVITE, Philippines  – Nalunod ang maglola makaraang lumubog ang bangka na kanilang sinasakyan sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Edgar Roquero, kinilala ang da­lawa na sina  Precilla Vizcarra, 52; at Trisha Mae, 11-month old, kapwa nakatira sa Barangay Manuyo 1,  Las Piñas City. 

Lumilitaw na umiwas sa trapik ang maglola kaya sumakay ng bangka patungo sana sa Barangay Longos subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumubog dahil sa paghampas ng malalaking alon.

Inaalam ng pulisya kung may kasamang bangkero ang maglola.

Show comments