Internet café nilooban

CAVITE  , Philippines – Libu-libong halaga ng ari-arian ang nalimas matapos looban ang isang Internet café sa Barangay Sta. Fe, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng umaga. Bandang alas-8 ng umaga nang madiskubre ang nakawan matapos pumasok ang katiwala na si Angelo Torres sa Asianshoeshop Internet café na pag-ari ni Erck Solis ng Barangay Sampaloc 2. Sa pagsisiyasat, nawawala sa nasabing shop ang 14 na yunit na computer, iba’t ibang gamit, isang cal. 45 pistola at malaking halaga. Sinisilip ng pulisya ang anggulong inside job dahil hindi naman winasak ang padlock at door alarm ng shop.

Show comments