Magsasakang tiktik nilikida

QUEZON, Philippines — Binistay ng bala hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na magsasaka matapos mapagkamalang tiktik ng militar at pulisya ng mga rebeldeng New People’ Army sa Barangay Cambuga sa bayan ng Mulanay, Quezon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Rex Revadulla na sinasabing kinaladkad ng mga rebelde palabas ng kanyang tahanan saka nilikida. Ayon kay PO1 Arby Resullar, narekober sa crime scene ang ilang basyo ng M16 Armalite rifle at liham mula sa Maria Teresa de Leon Command Larangang Yunit Gerilya Bagong Hukbong Bayan.

Show comments