Pamilya, 6 nalason sa tinapa

MANILA, Philippines - Nauwi sa pighati ang salu-salong pananghalian matapos malason sa kinaing de-latang tinapa ang anim na miyembro ng pamilya noong Biyernes Santo ng hapon sa bayan ng Alubijid, Misamis Oriental. Kabilang sa nalason ay ang mag-asawang Rodel Abrea, 45; at Levy Abrea,44; mga anak na sina Jomal, 19; Roselyn, 17; Jalo, 16; at si Jennifer, 10. Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense, ilang oras matapos mananghalian ang mga biktima ay magkakasunod na namilipit sa matinding sakit ng tiyan, ulo, pagsusuka at matinding pagkahilo. Kaagad naman naisugod sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City kung saan pinaniniwalaang expired na ang de-latang tinapa na kinain ng pamilya Abrea.

Show comments