MANILA, Philippines - Nasilat ng mga tauhan ng pulisya at militar ang tangkang pambobomba ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Semana Santa matapos na marekober ang bomba na itinanim sa harapan ng gusali sa Isabela City, Basilan noong Biyernes Santo.
Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz, bandang alas-8:20 ng umaga habang nagsasagawa ng paneling ang security forces kabilang ang K 9 units ng Joint Special Operations Task Force Basilan nang marekober ang improvised explosive device sa harapan ng gusali ng Bureau of Internal Revenue sa kahabaan ng Valderosa Street sa Brgy. La Piedad may ilang metro ang layo sa Santa Isabel Cathedral.
“It was disrupted successfully and the initial finding is that the explosive is made of TNT, not the usual ammonium nitrate with fuel oil,” pahayag ni Ortiz.
“This might be the punitive actions of Abu Sayyaf due to relentless military operations in the area,” ayon pa kay Ortiz.