Mag-asawang NPA sumuko

MANILA, Philippines - Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang mag-asawang opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army sa Eastern Samar kamakalawa. Kinilala ni Army’s 8th Infantry Division spokesman Lt. Col. Noel Vestuir, ang mag-asawa na sina Marvin Deo Capones alyas Ka Saga/Red at Gelita Capones alyas Ka Daisy/Onan. Base sa ulat, si Ka Saga ay tumatayong  vice commander  ng Eastern Samar Provincial Party Committee ng NPA habang si Gelita naman ay medical officer. Nabatid na isinaayos ni Col. Virgilio Espineli, assistant division commander ng 8th Infantry Division ang pagsuko ng mag-asawa sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Gov. Conrado Nicart. Sa inisyal na interogasyon, inamin ng mag-asawang Capones na nagdesisyon silang sumuko sa batas dahil sa tumitinding demoralisasyon sa hanay ng NPA maliban pa sa hirap at gutom na tinitiis sa kabundukan.

Show comments