Lineman natusta sa kuryente

CAMARINES NORTE, Philippines – Hindi na nagawang makapagbakasyon sa kanyang probinsiya ang isang lineman ng Camarines Sur Electric Cooperative para gunitain ang Semana Santa makaraang makuryente habang nag-aayos ng linya ng kuryente sa poste kamakalawa sa Camarines Sur. Idineklarang patay sa ospital si Elvin Motus, 21, tubong San Isidro Quiboloy Leyte. Lumilitaw sa imbestigasyon na aksidenteng sumabit sa talop na linya ng kuryente ang biktima kung saan sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ay kaagad na na­ngisay hanggang sa mamatay. Nasaklolohan naman ng kanyang mga kasamahan ang biktima subalit mabilis si kamatayan.

Show comments