RIZAL, Philippines – Isang 47-anyos na sundalo na sinasabing nakatalaga sa Army Hospital Service sa Camp Mateo Capinpin ang iniulat nasawi matapos na barilin ng ’di-pa kilalang lalaki sa kaniyang tindahan sa Sitio Hinadyungan, Barangay Sampaloc sa bayan ng Tanay, Rizal kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Agueta, Bago maganap ang pamamaslang kay T/Sgt. Jose Deza, ito ay nagbabantay sa kanyang tindahan ng gasolina kung saan dumating ang isang lalaki na nagpanggap na bibili ng gasolina. Dito na tiyempuhan ng gunman ang biktimang nakatalikod saka isinagawa ang krimen. Napag-alamang nakatanggap ng pagbabangta sa buhay ang biktima may tatlong buwan na ang nakalilipas subalit binalewala lamang nito.