Witness sa krimen, itinumba

CAVITE, Philippines  — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang mga suspek ang isang cook na saksi rin sa pamamaslang sa isang pulis noong nakaraang taon sa Cavite City. Dead-on-arrival sa Bautista Hospital ang biktimang si Bernardo Dimaya, 50, ng Bagong Purok 36-A, Caridad, nasabing lungsod. Dakong alas-11:00 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima ng suspect na nakasuot ng bonnet at jacket. Nabatid na si Dimaya ay tumayong witness sa pamamaslang kay PO2 Macario Andaya ng Cavite City Police Station noong July 27, 2010 kaya tinitingnan nila itong anggulo pinatahimik ito.

Show comments