Bb. Pilipinas international sinalubong

LEGAZPI CITY ,Philippines — Libong katao ang sumalubong kay 2011 Binibining Pilipinas International Diane Elaine Necio ng ito ay dumating kahapon sa Legazpi City airport. Ang pagsalubong kay Necio, tubong bayan ng Polangui ay pinangunahan ni Albay Gov. Joey Salceda, mga matataas na opisyal ng Albay at lungsod ng Legazpi. Bago isinagawa ang press conference ay nagkaroon muna ng motorcade sa lungsod ng Legazpi at bayan ng Daraga bilang bahagi ng mga aktibidad. Si Necio ay inimbitahan ni Gov. Salceda bilang bahagi ng selebrasyon ng Magayon Festival matapos na ito ay manalo bilang Binibining Pilipinas International kamakailan.

Show comments