Iligal rekruter arestado

CAVITE, Philippines — Kalaboso,ang binagsakan ng isang 41-anyos na iligal rekruter makaraang maaresto ng pulisya sa entrapment operation sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Merlyn Cabrera Sabro, call center agent at nakatira sa Tierra Nevada Subd. sa nabanggit na bayan. Base sa ulat ni PO3 Leo Bayot, naaresto ang suspek sa bisinidad ng isang foodchain matapos magreklamo ang biktimang si Honelyn Arroyo Salamat. Nasamsam sa suspek ang 2 piraso ng P500 at cheke na nagkakahalaga ng P12,000.

Show comments