BULACAN , Philippines — Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang pamilihang bayan sa San Miguel, Bulacan noong Biyernes ng gabi. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng tindahan at bahay na pag-aari ni Alexander Buan. Kinilala naman sa apelyidong San Roque na isang traffic enforcer ang sugatan kung saan umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago pa maapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog bandang alas-8 ng gabi. Base sa talaan, ang natupok na pamilihang bayan sa San Miguel ay ikalawang insidenteng sunog sa Bulacan kung saan naunang tinupok ng apoy ang palengke sa Hagonoy.