Tiktik ng militar itinumba

MANILA, Philippines - Pinagbabari hanggang sa mapatay ang dating barangay chairman na sinasabing tiktik ng militar sa patuloy na karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Tilnac, Pasacao sa Camarines Sur noong Biyernes ng umaga.

Base ulat na nakara­ting kay Army’s 9th Infantry Division Chief Major Gen. Joshue Gaverza, naganap ang pamamaril kay Vicente Banta, 57, sa pintuan ng tahanan nito bandang alas-8:30 ng umaga.

Lumilitaw na nairita ang mga rebelde sa pagiging aktibong tiktik ng biktima sa pagbibigay ng impormasyon sa militar kung saan patuloy na nakikiisa sa krusada ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebelde.

Show comments