Kolektor dedo sa holdap

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang 24-anyos na company collector matapos holdapin ng 'di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Dapdap sa bayan ng San Remigio, Cebu noong Huwebes ng hapon.

Idineklarang patay sa ospital si Gilbert Montellano ng Barangay Nailon, Bogo City at kolektor sa  Cooline General Merchandise sa Barangay Gairan. Sa ulat ng pulisya, si Montellano ay lulan ng motorsiklo patungong provincial highway mula sa Sitio Guintorihan nang barilin ng 'di-pa kilalang lalaki. Narekober sa crime scene ang motorsiklo ng biktima partikular ang cellular phone, company ID, susi, kuwintas at basyo ng bala. Nawawala naman ang bag na naglalaman ng P10,000 koleksyon at pitaka ng biktima.

Show comments