Barangay chairman nilikida

BULACAN , Philippines  — Napaslang ang isang barangay chairman matapos ratratin ng mga 'di-pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa harapan ng munisipyo ng San Rafael, Bulacan kahapon ng tanghali. Napuruhan sa ulo at mukha si Chaiman Ernesto Mempin, 66, ng Brgy. Dagat-dagatan sa bayang nabanggit. Base sa ulat, kalalabas lang ni Mempin ng munisipyo matapos dumalo sa flag ceremony nang lapitan at pagbabarilin. Si Mempin ay lulan ng multicab patungo sana sa La Familia Restaurant sa bayan ng Baliuag upang mananghalian kasama ang iba pang kapitan at kaibigan nang makasalubong si kamatayan. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

Show comments