Mister utas sa mag-utol

CAVITE, Philippines – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng mag-utol ang isang 52-anyos na mister sa Barangay Inocencio, Trece Martirez City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Reynaldo Fuentes habang naaresto naman ang mga suspek na sina Alberto Velas, 32 at Benito Velas, 28. Base sa police report, nairita ang biktima sa kasisigaw ng mag-utol kaya tinangka nitong sitahin. Subalit nagalit ang mag-utol at isinagawa ang pamamaslang.

Show comments