MANILA, Philippines – Tinambangan at napatay ang isa na namang alagad ng batas sa naganap na panibagong karahasan sa Purok 5, Brgy Sinunuc sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang napaslang na si P03 Zaldy Saji, 39, nakatalaga sa Tawi Tawi PNP at nakatira sa Ebenezer sa Upper Calarian.Tinamaan naman ng ligaw na bala sa paa at nagpapagaling sa Zamboanga Brent Hospital ang sibilyang si Jikithace Tarroza, 13. Lumilitaw na lulan ng motorsiklo ang biktima mula sa Barangay Recodo nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.Tinangay ng gunmen ang service firearm, pitaka at motorsiklo ng biktima.