MANILA, Philippines – Napaslang ang isang pulis matapos ratratin ng mga ’di-kilalang lalaki sa Barangay Ipil, Surigao City, Surigao del Norte noong Lunes ng gabi. Napuruhan sa dibdib si PO3 Charlou Celeste Dionaldo na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng San Francisco. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na palabas ng kaniyang tahanan ang biktima sa Sitio Alang-alang nang lapitan at pagbabarilin. Patuloy naman ang imbestigasyon.