Maton bulagta sa pulis

RIZAL ,Philippines  — Napatay ang isang 57-anyos na lalaki na sinasabing maton sa kanilang lugar matapos makipagbarilan sa pulis kamakalawa ng gabi sa Sitio Taguisan, Barangay Bagong Nayon sa Antipolo City, Rizal. Kamaka­lawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Ricardo “Car­ding” Sanico habang sugatan naman ang nakaduwelo ni Sanico na si SPO2 Hector Caubat ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa Camp Crame. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente matapos duma­ting  si SPO2 Caubat na nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigang menor-de-edad. Nabatid na binulyawan at naghamon ng away ni Sanico kay SPO2 Caubat kung saan sunud-sunod na putok ang umalingawngaw. Kahit sugatan ay nagawang makaganti ng putok ni SPO2 Caubat kung saan bumulagta si Sanico.

Show comments