Tatay kinalasan ni nanay, nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Dinamdam ng isang 32-anyos na mister ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Villa Corason Subd. Barangay Del Rosario sa Naga City, Camarines Sur. Bandang ala-una y medya nang matagpuan ang katawang nakabitin ni Ronald Vasquez. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang misis na sinasabing nag-alsa balutan sa hindi nabatid na dahilan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments