Patrol base ng Army hinaras

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga rebeldeng New People’s Army ang patrol base ng Philippine Army sa naganap na harassment sa bayan ng Balingasag, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi. Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arturo Ortiz, naganap ang panghaharas sa Kiwali Patrol Base sa Brgy. Kibanban kung saan pinangunahan ni NPA Kumander Celso Hilogan alyas Ka Rey ng Guerilla Front 4B ng Northern Min­danao Regional Committee. Dumepensa naman ang mga sundalo at miyembro ng Cafgu para protektahan ang patrol base kung saan tumagal ang palitan ng putok ng 10-minuto bago nagsitakas ang mga rebelde. Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng mga awtoridad.

Show comments