Maglola tinupok ng apoy

KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines – Hindi na nagising ang maglola matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Barangay Ricarte Norte sa bayan ng Diffun, Quirino. Kinilala ni P/Senior Supt. Delfin Millio, PNP provincial director ang maglola na sina Juanita Dulawan, 54; at Lady Dawn Sanchez, 2. Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na sinadyang sinunog ang tahanan ng maglola batay na rin sa mga natuklasang residue ng gasolina na posibleng ginamit at pinagmulan ng apoy. Ayon naman kay Fire Marshal Chief Inspector Santos Gawongna, magsasagwa pa rin sila ng mas malalim na imbestigasyon upang kumpirmahing arson ang inisyal na ulat.

Show comments