2 todas sa bike crash

BATAAN, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat nasawi makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kongretong pader sa Barangay Ibayo sa Balanga City, Bataan, kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Inspector Ronie Fabia, deputy chief of Police sa Balanga City, ang dalawa na sina Rolly Ramos, 26, ng Barangay Bagong Silang at Marfe Espino, 25, ng Barangay Tenejero. Habang inoobserbahan naman sa Bataan General Hospital ang malubhang nasugatan na si Jennelyn Gatdula, 17, ng Barangay Panilao sa bayan ng Pilar, Bataan. Sa police report, magkaangkas sa motorsiklo (RL6484) ang tatlo na sinasabing lango sa alak nang mawalan ng control sa manibela si Ramos kaya nagtuluy-tuloy na sumalpok sa pader.

Show comments