650 kilo ng bocha nasabat

Camp Alejo Santos, Malolos City ,Philippines  – Umaabot sa 650 kilo ng bocha o double dead na karne ng baboy at manok ang nasamsam ng mga awtoridad kasunod ng pagkakaaresto sa tatlo katao sa isang checkpoint sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan kahapon. Ayon kay Bulacan Provincial Police Office Director Sr. Supt. Wendy Rosario arestado sa operasyon ang mga suspek na sina Bernardo Laxamana, 48; Nelson de la Cruz, 44 at Rommel Hirang, 29-anyos. Bandang alas-4 ng madaling-araw ng unang masamsam ang 250 kilo ng imported na karne ng baboy na bocha galing China habang idine-deliver sa pamilihang lungsod ng Malolos. Sumunod namang nakumpiska ang karagdagan pang mga bocha 392 kilo mula sa operasyon sa Obando habang ibibiyahe sa Metro Manila at 100 pang kilo sa Sta. Maria, Bulacan.

Show comments