Itinumba dahil sa panibugho

QUEZON, Philippines — Nagkabutas-butas ang katawan ng isang 19-anyos na traysikel driver matapos na pagsasaksakin ng dating boyfriend ng kanyang syota sa naganap na karahasan sa bisinidad ng Inis Street, Barangay Zone 1 Poblacion sa bayan ng Atimonan, Quezon, kamakalawa ng hapon. Nagmistulang kinatay na karne ng baboy ang katawan ni Oliver Apad ng Barangay Malinao Ilaya habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Celso Montalba ng Barangay Balubad. Sa police report ni SPO3 Florante Hinanay, dumalaw ang biktima sa bahay ng kanyang syotang si Elaine Parafina kung saan nakita naman ng suspek ang pagbisita kaya labis na nanibugho. Dito na inabangan ng suspek sa labas ang biktima at nang makakuha ng pagkakataon ay isinagawa ang pamamaslang.

Show comments