2 'killer' ng mediaman arestado

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya ang magkapatid na sinasabing panguna­hing suspek sa pagpatay sa isang mamamahayag sa Barangay Lutucan sa bayan ng Sariaya, Quezon may dalawang taon na ang nakalipas.

Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Virgilio Alpajora ng Lucena City Regional Trial Court Branch 59, nakorner ang mag-utol na sina Mario Biscocho, 43 at Michael Biscocho, 26, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Insp. Elena Eleazar, hepe ng Quezon PNP, ang mag-utol na itinuturing na most wanted ay responsable sa pagpatay kay Bert Sison, 60, pub­lisher ng lingguhang Regional bulletin at tumatayong radio anchor ng programang Harana sa dzAT-AM sa Lucena City.

Sa record ng pulisya, si Sison ay tinambangan ng mga suspek habang lulan ng kotse kasama ang kanyang anak na babae noong Hunyo 30, 2008.

Show comments