Minero utas sa kuryente

QUEZON — Natusta at namatay ang isang 27-anyos na minero matapos na makuryente habang naghuhukay sa minahan sa Barangay Bulo sa bayan ng Buenavista, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Edqin Baylon ng Makugon sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Ayon kay SPO1 Samson Ricafrente, dakong alas-4 ng hapon habang nasa tunnel ang biktima kasama si Israel  Mandigo nang mahawakan nito ang linya ng kuryente ng electric jack hammer. Nabatid na walang suot na sapatos o kaya tsinelas ang biktimang nakatapak pa sa tubig kaya mabilis na dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente na siya nitong ikinamatay.

Show comments