Pharmacist ninakawan, inutas

QUEZON ,Philippines  – Napaslang ang isang 63-anyos na retiradong pharmacist matapos na saksakin ay pinagnakawan pa ng mga 'di-kilalang lalaki sa Cleade Heights Subdivision, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng  gabi. Bandang alas-10:45 ng gabi nang matagpuan ng mga barangay tanod ang duguang katawan ni Mercedita Makalintal. Batay sa imbestigasyon nina PO2 Randy Buenaventura at P02 Miljun Magadia, nagpapatrolya ang mga barangay tanod nang makita nila ang mga patak ng dugo sa gate ng tindahan ng biktima. Mabilis na tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga barangay tanod at nang buksan ang tindahan ay bumungad ang nakabulagtang katawan ng biktima. Nawawala ang laptop at 3 cell phone ng biktima na sinasabing tinangay ng mga kawatan.

Show comments