Retiradong principal nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Niratrat at napa­tay ang isang retiradong principal ng mga 'di-kilalang lalaki sa Barangay Taberna sa bayan ng Cawayan, Masbate kamakalawa ng gabi. Nasapol sa ulo ng bala ng baril si Ulyses Fernando. Ayon sa police report, nagpapahinga at nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang maganap ang pamamaslang. Wala naman malinaw na motibo para patayin ang biktima.

Show comments