CAVITE, Philippines – Nabawi ng mga operatiba ng pulisya ang isang 10-anyos na batang lalaki na sinasabing dinukot ng kanyang yaya kamakalawa ng gabi sa Barangay Naic, Cavite. Pormal namang kakasuhan ang nadakip na suspek na si Delia Ramos, 32. Sa pagsisiyasat ni PO1 Michael Bebesen, humingi ng tulong sa pulisya ang ina ng bata para madakip ang suspek at mabawi ang kanyang anak. Gayon pa man, sa follow-up operation ay natunton ang kinaroroonan ng suspek kung saan nailigtas ang biktima sa Barangay Ligtong sa bayan ng Rosario, Cavite.