Rookie cop itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang rookie cop matapos pagbabarilin habang pauwi mula sa pagbisita sa bahay ng kanyang bayaw sa Barangay Arpili, Balamban, Cebu kamakalawa ng umaga. Tatlong bala ng baril sa tiyan ang tumapos sa buhay ni PO1 Romel Ruben Paping, 32, ng Regional Police Safety Battalion sa Sibonga, Cebu.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Dwight Carmelitos na sinasabing nakaalitan ng biktima at may nakabinbing warrant of arrest sa kasong frustrated homicide. 

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima matapos bumisita sa kanyang bayaw nang umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Nang usisain ng bayaw ang pinanggalingan ng putok ng baril na may ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay ay nakabulagta na ang biktima.

Show comments