MANILA, Philippines - Binistay ng bala ang isang hepe ng Traffic Management Office (TMO) ng tatlong hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Gilbert Cruz ang biktima na si Nonie Natividad, Chief ng Calamba City TMO.
Bandang alas-9 ng umaga ng maganap ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. San Juan at Brgy. Looc ng nasabing lungsod habang lulan ang biktima ng kulay abong Silver Crosswind (SJD-215).
Narekober ng mga nagrespondeng mga operatiba ng pulisya ang 40 basyo ng bala ng cal .45 at cal 9 MM pistol na ginamit sa pamamaslang.