Trader nagbaril sa harap ng anak

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya at negosyo kaya nag­desisyon ang isang 39-anyos na negosyante na mag-suicide sa harap ng kanyang anak na babae sa kanilang tahanan sa Barangay Bolo Norte sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng umaga. Lumilitaw na kausap ng negosyanteng si Marcial Agor ang kanyang anak nang itututok nito ang baril sa ulo. Tinangka naman pigilin ng anak ang gagawin ng kanyang tatay subalit umalingawngaw ang malakas na putok ng baril at duguang bumulagta si Marcial. Tumanggi naman magbigay ng komento ang pamilya ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments