Sunog: 500 bahay naabo, 2 sugatan

CAVITE, Philippines   — Tinatayang milyun-milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa naganap na malaking sunog na tumupok sa may 500 kabahayan habang dalawa pa ang nasugatan sa public market ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Ang dalawang nasugatan na hindi nakuha ang mga pangalan ay mabilis na isinugod sa pa­gamutan para malapatan ng lunas. Batay sa ulat, naganap ang sunog sa pagitan ng alas-10 hanggang alas-11 ng gabi, nang biglang sumiklab ang apoy sa isang bahagi ng public market at tuluyang kumalat. Dahil na rin sa lakas ng hangin sa lugar ay mabilis na kumalat ang sunog na tuluyang nilamon ang mahigit sa 500 kabahayan dito. Umabot sa 4th alarm ang nasabing sunog na grabeng puminsala sa mga kabahayan sa tatlong magkakadikit na barangay na kinabibilangan ng Zapote 1, Talaba V at VI.

Show comments