Lider ng NPA todas sa encounter

MANILA, Philippines - Patay ang isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo kahapon ng umaga sa Brgy. Buwang, Bato, Camarines Sur. Kinilala ni Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Harold Cabunoc ang nasawi na si Elmer Estrellado alyas Ka Ted/Poldo, Commander ng Regional Headquarters ng Bicol Regional Party Committee. Nakuha mula sa tabi ng bangkay ni Estrellado ang isang cal.45 pistol, dalawang improvised bomb at mga subersibong dokumento. Bandang alas-6:30 ng umaga ng makasagupa ng tropa ni Lt. Col. Ernesto Cruz, Commanding Officer ng Army’s 42nd Infantry Battalion ang may sampung rebelde na pinamumunuan ni Estrellado habang nangingikil ng revolutionary tax sa mga residente sa lugar na nagbunsod sa encounter. Nasakote rin sa operasyon ang amasonang si Darlene Palomar alyas Ka Brenda.

Show comments