Misis umayaw sa sex, ginulpi

QUEZON, Philippines — Bugbog-sarado ang inabot ng isang 49-anyos na misis matapos na tumangging makipagtalik sa kanyang mister kamakalawa ng gabi sa Barangay Bulo ng bayan ng Buenavista, Quezon. Pansamantalang itinago sa pangalang Nessie ang misis na ngayon ay nasa lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development habang tugis ng pulisya ang suspek na si Rodolfo Argente, 42. Ayon kay P02 Fatima Flavier, lumilitaw na senglot ang suspek nang umuwi kung saan niyakap ang biktima saka niyayang makipagtalik. Tumang­gi naman ang misis dahil sa masama ang pakiramdam kaya nagalit at nauwi sa panggugulpi.

Show comments