Ina, 2 anak minasaker ng adik

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-iina habang isa pang anak ay nasa kritikal na kalagayan matapos pagtatagain ng adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa bayan ng Caramoan, Ca­tanduanes.

Kabilang sa kinatay ay sina Allan Opancia,10; Sam Opancia, 3; at ang kanilang ina na si Shiela Opancia, 34, na tinangkang isugod sa Caramoan District Hospital sa bayan ng Caramoan pero namatay din.Samantala, nakikipaglaban naman kay kamatayan ang isa pang anak na si Shiela Mae Opancia.

Base sa pagsisiyasat ng pulis-Catanduanes, naganap ang trahedya sa mismong tahanan ng mag-iina sa Barangay Bulalacao.?

Kaagad namang na­dakip ang suspek na si Daniel Dizon matapos ila­tag ang follow-up operation sa Barangay Luba sa bayan ng San Andres kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Lito Petaliano, lumilitaw na pinasok ng suspek ang bahay ng pamilya Opancia at isinagawa ang kalunus-lunos na pamamaslang.

Pormal naman kakasuhan ang suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya

Show comments