Sanggol isinabit sa puno, nailigtas

MANILA, Philippines - Dahil sa matining na iyak mula sa itaas ng punungkahoy, nailigtas ang isang 10-araw na bagong silang na sanggol na babae na sinasabing isinabit sa sanga ng ’di-pa kilalang ina sa Barangay Pinagbayanan sa bayan ng Pagbilao, Quezon noong Lunes ng hapon.

Nadiskubre ang sanggol matapos mapadaan sa kakahuyan malapit sa ilog ang isang residente sa Brgy. Pinagbayanan, Pagbilao.

Noong una ay inakala pang iyak ng tiyanak kaya nagtawag ito ng mga kasamahan sa kanilang barangay.

Nang usisain ang nakasabit na kumot sa sanga ng  puno ay napag-alamang isa itong sanggol na babae.

Agad namang isinugod sa Jane County Hospital ang sanggol na nilalamig ang katawan kung saan pansa­mantala sinailalim sa kustodya ni Brgy. Chairman Elmer Reyes.

Show comments