Pulis itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang pulis-San Isidro matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na ambush kamakalawa ng hapon sa Tagum City, Davao del Norte. Kinilala ang napatay na si PO3 Edwin de Guzman ng Dreamville Subdivision sa Barangay Visayan sa Tagum City. Batay sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa biktimang lulan din ng motorsiklo sa kahabaan ng Sobrecarey Street sa Barangay Magugpo, Poblacion  ng nasabing lungsod. Nabatid na sinundan ang biktimang mula Tagum City Sports Complex cockpit saka isinagawa ang pananambang.

Show comments