Dyipni vs van: 13 sugatan

QUEZON, Philippines – Aabot sa labintatlo-katao ang iniulat na nasugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong jeepney at van sa pakurbadang highway sa Barangay Amontay sa bayan ng Pitogo, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Gumaca District Hospital at San Diego Hospital ay sina Lubert Magbuhos, driver ng jeepney; Roderick Parao, Lourdes Badiana, Willy Juacalla, Saraha Jane Merando, Myra Saldua, Lourdes Magtibay, Belen Mendoza, Luna Perlas, Jovel de Guzman, Rolly Perez, Lualhati Aguilar, at si Raquel de Palma. Ayon kay PO2 Ricardo Perez, nakasalubong ng passenger jeep (DWJ-759) ni Magbuhos na patungong bayan ng Gumaca, Quezon ang Fuzo Canter van ni Roderick Cortez ng Lucena City.

Show comments