2 dedo sa pamamaril

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong napatay habang isa pa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Barangay Rosario sa bayan ng Lallo, Cagayan noong Sabado ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Mao Aplasca, police director ng Cagayan, nakilala ang mga napatay na sina Marcelo Concordia, 48, barangay tanod; at George Rigon, 30. Sugatan at ginagamot sa Puyawan Medical Clinic si Jerry Obena, 37. Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Gilbert Columna, nanonood ng telebisyon sina Concordia at Rigon sa bahay ni Obena nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Duguang bumulagta sina Concordia at Rigon matapos tamaan ng mga bala ang M16 Armalite rifle.

Show comments