BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philipines – Isang sundalo ng Phil. Army ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang dalawang motorsiklo sa likurang bahagi ng trak sa kahabaan ng highway sa Barangay Alibagu sa bayan ng Ilagan, Isabela noong Huwebes. Kinilala ang nasawi na si Corporal Camilio Guifaya, habang malubha namang nasugatan sina Private First Class Jonamore Agabin at Private First Class Joey Calpito na pawang nakatalaga sa 5th Infantry Division (ID) ng Philippine Army sa Gamu, Isabela. May teorya ang pulisya na kawalan ng tail lights ng trak ni Isabelo On ng Tumaiini, Isabela ang isa sa dahilan kaya naganap ang sakuna.