3 minero gutay sa granada

MANILA, Philippines –  Nagutay ang katawan ng tatlong minero makaraang sumabog ang granada na sinasabing pinaglaruan kamakalawa sa minahan sa Barangay Sese-an, sa bayan ng Balbalan, Kalinga. Sa sketchy report ng pulisya, naganap ang pagsabog sa labas ang tunnel ng Gaang Mine bandang alas-5:30 ng hapon. Kasalukuyan namang inalaam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang isa pang minero ay malubhang nasugatan at ngayon ay nasa Western Kalinga District Hospital. Lumilitaw sa ulat na pinaglaruan ng lasing na minero na si Mike Calumag ang granada sa harapan ng kaniyang mga kasamahan. Aksidente naman nitong nabitawan ang granada na lumikha ng malakas na pagsabog.

Show comments