6 patay sa panibagong giyera

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Muli na namang sumiklab ang panibagong kaguluhan kung saan anim-aktao ang nasawi kabilang ang 4-anyos na bata matapos magsagupa na naman ang magkalabang grupo ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberartion Front sa liblib na bahagi ng Barangay Nanga-an sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ang nasawing bata na si Langlang Tumindog ng Sitio Kangkong, Barangay Simone sa bayan ng Kabacan

Lima namang bangkay ay namataan sa may Pulangi River kung saan da­lawang katutubong Manobo na kinilalang sina Rodilo Binoy at Maximo Andasan.

Sugatan naman si Solaiman Muhammad Ali, 14.

Samantala, sa ipinatawag na meeting ni Kabacan Mayor George Tan, sinabi ng tribal chieftain na si Datu Masla Mantawil na prinsipyo at hindi lupa ang pinag-aawayan ng MILF at MNLF.

Show comments