Negosyante dedo sa holdap

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines  – Isa sa tatlong negosyante ang iniulat na napaslang matapos barilin ng isa sa dalawang holdaper sa panibagong karahasang naganap sa bahagi ng Barangay Calasag sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon ng tanghali. Kinilala ang napatay na si Edgardo Masa, 46, ng Brgy. San Juan sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Ayon kay PO3 Adriano Suba, magkakaangkas ang tatlo sa motorsiklo nang harangin ng nakamotorsiklong holdaper pagsapit sa nabanggit na barangay. Napag-alamang magkakasama ang tatlo para mamili ng baboy nang maganap ang krimen. Lumilitaw na pumalag sa holdaper ang biktima kaya binaril. Hindi naman idinamay ang dalawang kasama ng biktima kung saan natangay ng malaking halaga at dalawang cell phone.

Show comments