Seaman tinodas ng sekyu

LUCENA CITY, Philippines — Patay agad ang isang seaman matapos na pagbabarilin ng security guardsa pinag­lilingkuran nitong shipping company sa Brgy.Talao-talao ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng isang tama ng bala ng cal. 38  sa sikmura ang biktimang si Francisco Labia, 30, may-asawa, Quarter Master ng M/V Star San Carlos & A at residente ng Mi­sa­mis Occidental. Naaresto naman ng pinagsanib na elemento ng Dalahican PNP at Regional Maritime Police ang suspek na si Ramil Albiar, 29, may-asa­wa, stay-in security guard ng naturang shipping company at residente ng Negros Occidental.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Alvin Evangelista, PO2’s Miljun Magadia at Randy Buenaventura, dakong alas-4:30 ng hapon ay nakitang mainitang nagtatalo ang dalawa sa compound ng Talao-talao port.

Bigla umanong binunot ng suspek buhat sa kanyang baywang ang ser­vice firearm at pinaputukan ang biktima saka tumalilis subalit naharang ng mga awtoridad. Inaalam pa ang motibo ng krimen.

Show comments